Tuesday, August 10, 2010

FILIPINO (TULA) Buwan ng Wika

FILIPINO

Filipino ang ating wikang pambansa
Wikang nagbubuklod sa kabuuang bansa
Wikang nagbubukal ng isipan at diwa 
Ng mga pangarap at mga adhika

Ito ang wikang ginamit ng mga katipunero
Nang pambansang kalayaan ipinaglabang totoo
Ang sigaw ni bayaning si Andres Bonifacio
Mabuhay ang PILIPINAS!Mabuhay Pilipino!

Linangin natin ito at pakalinangin 
Wikang ibinigay ng Amang Diyos sa atin
Si inay sa kanyang kundimang awitin
Tahana'y pasayahin,Sanggol patulugin.

Ito'y unang binatay sa Wikang tagalog non,
Ang wikang ginamit ng mga maharlikang taga ilog
Itinanghal na pambansang wika ni pangulong Manuel L Quezon
Isang wikang malambing at taga sa panahon! 

O Pilipino! O mamamayang pilipino!
Sa pagdaraan nitong ikatlong milenyo
Saanman tayo magpunta,saanman magtungo
Ikarangal,Ipagmalaki WIKANG PILIPINO! 

15 comments:

  1. Pahiram po nitong tula po ninyo, para po sa darating naming buwan ng wika, salamat po

    ReplyDelete
  2. Pahiram po nitong tula po ninyo, para po sa darating naming buwan ng wika, salamat po

    ReplyDelete
  3. pahiram po ng tula ipapa tula ko po sa anak ko sa linggo ng wika

    ReplyDelete
  4. pwede ko po bang gamitin po yang tula niyo gagawin ko lang pong rap sa filipino sa lamat po :)

    ReplyDelete
  5. pahiram din po... need ng anak ko ng tula pang linggo ng wika,,, tnx

    ReplyDelete
  6. pahiram po ng tula, gagamitin lang po sa linggo ng wika:)

    ReplyDelete
  7. pahiram po ng tula, gagamitin lang po sa linggo ng wika:)

    ReplyDelete
  8. Paumanhin po.. nais ko po sanang hiramin at gamitin itong inying tula para sa buwan ng wika.. salamat po

    ReplyDelete
  9. Paumanhin po.. nais ko po sanang hiramin at gamitin itong inying tula para sa buwan ng wika.. salamat po

    ReplyDelete
  10. TINULA ITO NANG AKING ANAK.... NANALO PO SIYA... THANKS...

    ReplyDelete
  11. Pahiram po ng tula. Salamat.

    ReplyDelete
  12. Pahiram po ng tula na ito, para sa Linggo ng Wika assignment ng anak ko. Salamat po

    ReplyDelete
  13. magandang araw po..
    pwede ko po bang hiramin ang tula niyo?salamat po

    ReplyDelete